Pagte-trade sa Phone

Available ang Trading Desk sa lahat ng holder ng live HFM account. Puwedeng i-close at i-manage ng mga kliyente ang mga order sa pamamagitan ng telepono sa tulong ng Trading Desk kung kinakailangan. Pakitandaan na limitado ang mga inquiry sa pagpe-place ng mga stop/limit para i-close o i-manage ang mga open position lang. Hindi makakapag-take ng mga market order o naka-pending na order ang Trading Desk para mag-open ng mga bagong position


Mga Oras ng Trabaho

00:00 hanggang 23:59 sa Oras ng Server Lunes hanggang Linggo


Trading Desk

Call +44-2030978575 to speak with an HFM Execution Manager.


Kailan Ako Dapat Tumawag sa Trading Desk?

Hinihikayat ang lahat ng kliyente ng HFM na tumawag sa Trading Desk sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Walang agarang access sa Internet
  • Hindi nakatanggap ng confirmation ang trader sa isang order na na-place online
  • Hindi gumagana ang Internet o hindi makakonekta sa server ng HFM

Wastong Pamamaraan sa Trading sa Telepono

Para matiyak na nape-place sa tamang oras at paraan ang mga order, hinihikayat namin ang lahat ng kliyente na nagkokontak sa Trading Desk na sundin ang wastong kagawian sa telepono sa aming Trading Desk. Pakibasa ang sumusunod na halimbawa para matiyak na nauunawaan mo ang wastong kagawian.

Example: Trading Desk Etiquette to close or manage a trade via the Phone:

Kapag tumatawag sa Trading Desk, dapat agad na tukuyin ng trader ang kanyang HFM account number na nauugnay sa trade gusto niyang i-manage o i-close.

Trading Desk: 'Maaari ko bang makuha ang password ng iyong telepono?'

Trader: 'My phone password is 12345.'

Trading Desk: 'Maaari mo bang i-confirm ang mailing address at email na nauugnay sa account na ito?'

Trader: 'My address is 1234 Forex Street and my email is example@gmail.com'

Trading Desk: 'Maaari ko bang makuha ang pangalan sa account na ito?'

(Itatanong ng Trading Desk Agent ang mga tanong na ito para ma-verify na ang tumatawag nga ang may-ari ng account.)

Trader: 'Gusto kong isara ang aking long sa market, 4 na standard lot ng EUR/USD.'

Trading Desk: 'Ang iyong close ay in-execute ng 1.3250'

Tandaan: Ang aming kawani ay gumaganap bilang isang ahente upang ilagay ang kalakalan sa ngalan mo at hindi bilang isang dealer na nagbabanggit ng isang presyo. Samakatuwid, pagkatapos mong ipahayag ang kahilingan ng order, ipapaalam sa iyo ng aming kawani ang katayuan ng pagkakasunud-sunod at kumpirmahin ang presyo ng order. Ang HFM ay hindi mananagot para sa pagbabago ng presyo sa pagitan ng oras na hinihiling ng Mangangalakal ang isang pagpapatupad at ang oras na ang kahilingan ay talagang naisakatuparan.


Pag-iimbestiga sa Trade Execution

Kung naniniwala kang hindi tama ang pagka-execute ng isang trade, pakikontak ang Trading Desk sa pamamagitan ng telepono o email.

Trading Desk:

+44-2030978575
tradingdesk@hfm.com

Mahalaga:Tiyakin na nasa iyo ang lahat ng impormasyong nauukol sa trade kabilang ang: numero ng trade ticket, oras ng trade at uri ng problema.
Io-audit ang trade, at, kung kinakailangan, magsasagawa ng napapanahong pag-a-adjust.

Mga Oras ng Server:
Taglamig: GMT+2
Tag-init: GMT+3 (DST)